A Fundraising Initiative for Kids Transformation 2024

BAYBAYIN Collection v2

Kids Transformation

Reaching the community by helping the kids
Ang Kids Transformation ay taunang gawain ng PKKI District 1-South na naglalayong makatulong sa pagbabago ng buhay ng mga bata sa komunidad ng isang kongregasyon o misyon sa distrito. Sa ngayon ay mahigit sa isang libong bata na ang natulungan at naabot ng nasabing gawain. At sa tulong niyo, inaasahan pa ang patuloy na pagtaas ng bilang na ito. Maaari niyo kaming suportahan sa aming adhikain sa pamamagitan ng pagbili ng aming Baybayin Merch. Maaari rin kayong mag-donate o mag-volunteer sa nasabing gawain. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa email na: pkkid1syouth@gmail.com para sa anumang katanungan o suhestiyon. Salamat po!

PKKI District 1-South

Ang Distrito Uno Timog ay binubuo ng labing-anim (16) na kongregasyon at anim (6) na mission points na nakapaloob sa mga lungsod ng Laguna, Las Piñas, Makati, Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at Taguig. Sa kabuuan ay mayroong tatlong daang (300) kabataan na kaanib sa kapisanan sa kani-kaniyang kongregasyon. Maaabot ka na namin hanggang sa dulo ng pulo, kaya naman I - ADD TO CART mo na yan! 🛒🇵🇭 D1SY Baybayin Collections now AVAILABLE AT SHOPEE.